Skip to main content

Paano mag GlowUp?

Kakapasok lamang ng 2023 at sympre 'di mawawala ang #Goals natin every year. Ang ilan nga dito ay ang GlowUp, na isa sa ating new year resolutions. #NewYearNewMe kuno na naman ng madla. Ang tanong, natutupad nga ba ito?

 May iilan sa atin na tinutupad ang ilan sa kanilang nasa new year resolution list. Pero ang iba ay nagiging "clown" na lamang sa kanilang sarili. Sa kadahilanang, ni isa sa kanilang new year resolutions ay walang natupad. Isa na nga sa mga pumapalyang matupad ay ang GlowUp. 

At, ito ang pag uusapan natin ngayon! Sagutin natin ang tanong na, paano nga ba mag GlowUp?

Ayon kay Tong (2021), ang salitang Glow-up ay isang proceso na naka pokus lamang sa malawakang pagbabago mula pisikal, estilo ng buhay ng isang indibidwal, at sa kabuuhang atraksyon nito. 

Malinaw naman siguro ang ibig sabihin nito. Ito ay pagbabago mula sa pisikal na aspeto ng isang tao, hindi kasama ang emotional at mental aspect. Sapagkat, ito'y "inside" na usaping pagbabago at hindi pisikal. 

Ganoon pa man, para sa akin ang totoong Glow-up ay hindi lamang malawakang pagbabago mula sa pisikal na aspeto. Dahil hindi ka magiging attractive kung 'di mo babaguhin ang mindset mo. At ito ang dapat na tandaan natin. Sa pagsasagawa ng pagbabago, dapat isabuhay mo ang importansiya ng disiplina, positibong pananaw, at kilos (work).

Kung alam mo na ang tatlong ito bilang pangunahing sangkap sa iyong pagbabago. Maari ka ng pumunta sa susunod na hakbang. Subalit, ano nga ba ang unang hakbang upang maisagawa ang "Glow-Up"?

Marami sa atin ang hindi alam kong ano ang una na hakbang para maachieve ang "Glow-Up". Pero sinasabi ko sa inyo na ito'y nagsisimula sa sarili. 

Ang "self-love" kapag ito'y naembrace mo na. Magbabago ang pananaw mo sa sarili mo. Isipin mo lamang na hindi pagiging selfish ang pag uuna muna sa sarili. Walang masama kung iisipin mo na ito'y pabibigay rewards or credit lamang sa mga bagay na pinaghihirapan mo. O, kaya may mga parte ka lang sa sarili mo na gusto mong baguhin para magkaroon ka ng "self confidence". 

Pero kung alam mo na ito sa sarili mo at decided kana para sa pag babago. Subalit, nahihirapan ka sa kung anong dapat na mauunang gawin. Narito ang ilang hakbang para maumpisahan ang "Glow-Up". 

              3  WAYS TO GLOW-UP

#1. Be Specific. Maging rekta sa kong ano ang gusto mong ma achieve, at mag focus lamang rito. 
- Mahalagang maunawaan kong ano ang nais mong baguhin sa sarili mo. Pwede kang gumawa ng list ng mga bagay na nais mong maachieve. Halimbawa, kung pisikal na pagbabago ang nais mo ilalagay mo sa routine mo ang pag exercise every saturday and sunday at dapat hindi ka mag mimintis dito. Kung ang iyong Goal ay skincare naman maging specific din. Maari rin namang pagsabayin mo dalawang ito. Ngunit huwag kang papalya o tatamarin sa self-care at exercise. Dahil ang katamaran ang isang mortal na kaaway sa pag sasagawa ng "Glow-Up".

Narito ang listahan ng mga dapat mong i-improve sa sarili:

1. Appearance. Dito papasok ang skin care routine mo, good posture, dress and style pati ang hairstyle.

2. Lifestyle. Dito naman papasok iyong pag aalaga mo sa kalusugan at katawan mo tulad ng pag exercise regularly, pagkain ng tama, pag inom ng 8 glasses of water or pag tatake ng iyong vitamins, at pag aalaga rin sa iyong ngipin na ating nakakalimutan. 

3. Well-being and Savings. Parte rin dapat ng "Glow-Up" mo ang pag educate sa iyong sarili. By simply reading book at journaling. Makakapag reflect ka sa mga bagay-bagay na makakatulong upang mas makilala mo pa ng husto ang iyong sarili. Ang pagsasabi rin ng mga "affirmatives" na makakatulong to motivate yourself ay isa rin sa magandang habit na ma establish mo. At sympre ang mga iyong pinagkakakitaan o ang iyong trabaho. Bagama't busy or nag aaral ka man. Mahalaga na magkaroon ka ng balansing buhay. Wag papa stress dito. Kung ikaw man'y napapagod at walang inspiration sa iyong ginagawa o trabaho subukan mong isipin ang essence or purpose kung ano ang makukuha mo rito, maging praktikal at direkta para 'di makadama na tila ika'y naliligaw.

#2. Be Focus and Consistent. Upang makamtam ang "Glow-Up" dapat gawin mo itong hobby. Isipin na ginagawa mo ito bilang parte ng iyong buhay.
- Mahalagang maging consistent at focus ka sa ginagawa mo. Sa pagsasagawa kasi ng "Glow-Up" ito'y dapat nakakasanayan mo na. Ganito ang pag aalaga sa sarili. Dapat may "me-time" ka kung saan hindi ka lamang nagrerest mentally dapat "physically at emotionally". May target date or oras ka dapat kung kailan mo isasagawa ang pag eexercise o ang skin care routine mo. Kapag naging routine mo na ito. Hindi na ito mawawala sa sarili mo. At, ito'y nakakatulong sa mental at emotional health natin. Kasi kung iisipin, nagkakaroon ka ng oras para sa sarili mo at nagkakaroon ka rin ng sarili mong mundo. Kung saan, ma eembrace mo ang "alone time" at kahit mag isa ka, hindi ka makakaramdam ng lungkot dahil "you pamper yourself by doing things that makes you happy". At, ito ang nagagawa sa atin ng "Glow-Up". 

Mararamdaman mo ang maturity kapag napapahalagahan mo ang sarili mo. Naiintindihan mo rin na hindi mo pala kailangan maging "people-pleaser" dahil nauunawaan mo na "at the end of the day, you only have yourself". Ganoon pa man, para makita ang resulta maari mo ring i-record ang iyong progress. Upang mas lalo kang mainspire sa buhay.

#3. Provide and Pamper Yourself. You have to provide for your needs. Dapat may pera ka at oras para isagawa ang "Glow-Up".
- Mahalagang maunawaan na ang "Glow-Up" ay isang reward na maibibigay mo sa sarili mo. Ito'y ginagawa mo para mas maging maganda ka pa para sa sarili mo. Huwag na huwag isipin na ito'y ginagawa mo lamang para sa ibang tao. Toxic mindset iyan, kaibigan! Kaya laging magtabi ng pera para sa pag papamper ng itong sarili. Bumili ka ng mga bagay na kailangan mo. Kung gusto mo talagang gumanda, kailangan mo ng pera. Sympre, kailangan mo ng budget para dito. Hindi pwedeng tamang hilamos ka lamang. Kailangang mag try ka ng mga produktong tiyak na makakapag paganda sa iyo, pero sa pagpili ng produckto dapat maging maingat. Kahit busy ka rin, dapat ay maglaan ka ng oras para dito upang mapasaya pa rin ang sarili. Ang iba pa nga ay kumakain ng pagkaing gusto nila, nagshoshopping, at kung ano-ano pa.

Tandaan, ang pagsasagawa ng "Glow-Up" ay mahirap panindigan. Ngunit, ito naman ay makabuluhan. Kaya kung decided kana para rito. Itatak mo lamang sa iyong isipan ang tatlong hakbang para sa pagkamit nito. 

Laging isipin rin na ang pagbabago'y nagmumula lagi sa sarili. Kung walang nagagandahan sayo, huwag panghinaan ng loob. Sabi nga nila, "beauty is in the eye of the beholder". At kung walang nagagandahan sa'yo, magandahan ka sa sarili mo. Hindi mo kailangan ipagsigawan sa sarili mo na maganda ka o magpaka narcissist. Sabihin mo lang na, "tanggap ko ang sarili ko". Just humbly accept your flaws. Maging positibo lamang sa sarili upang maattract mo ang mga bagay na nais mo. At, mapagtanto ang kapanatagan, kuntento at masayang buhay!



Comments