Castor Oil, is it really effective?
I tried using castor oil for a month just to prove if it is really effective.
Actually, katulad niyo marami na akong naririnig about Castor Oil. Bagaman, totoo na wala pang scientific evidence na magpapatunay na nakakatulong siya to make your hair grow fast. But, it really can thick your hair at may Anti-inflamatory na nakakatulong sa mga may balakubak, tulad ko. Dahil may mga iilang tao ang nagsasabing ito'y nakakalutong upang magpakapal ang kanilang buhok. Ang ilan pa nga ay isinasama ito sa kanilang skin care routine.
Maraming talagang benefits ang Castor Oil. Kaya naman I decided to use it for 30 days. This is a big challenge for me. Kasi nga busy sa school, and sometimes I have no time for self care. Pero 'di na tayo bata eh. Aminado akong napapabayaan ko na ang sarili ko for these past few weeks. Kaya I want a "GLOW UP"
Ayon na nga. Nagpabili ako sa nanay ko ng Castor Oil at ito yung nabili niya. She didn't buy it on Mercury Drugs Store, I don't know but it looks different from the other brand of Castor Oil. Anyway, I have no choice unless to use it either.
I used it on my eyebrows for almost 1 week. Sayang dahil hindi ko nakuhaan ng picture 'yong eyelashes ko before using castor oil. Kaya sa pinakadulo ng blog na ito ay 'di na ako naglagay pa ng picture, which is the result.
Pero sa 7days na pag gamit ko nito, nakita ko na agad ang improvements. Napapansin ko na medyo kumakapal ang mismong strand ng pilikmata ko, which is a good sign. Hindi ganoon kahalata sa una pero mapapansin mo na talagang shiny at buhay na buhay ang mga pilikmata ko kesa noon. Bagama't mahahaba ang pilikmata ko maninipis naman ang dulo nito which gives impression na dull at brittle siya. Bagsak na bagsak rin rito kaya kapag may tumitingin sa akin ay ito ang napapansin, at sinasabi pa nga na bakit daw 'di ako gumamit ng curler, para pataasin ito. Kasi nga walang kabuhay buhay ang mga mata ko.
Kaya nag desisyon akong bakit 'di ko nalang lagyan nito. May mga napapanood rin kasi ako sa youtube na iilang indibidwal na sadya namang gumagamit na rin nito. Yung iba pa nga ay bumibili sa watson ng castor oil na nakalagay na sa bottle at may brush na ito. Pero ako ay praktikal lamang mas mahal kasi ito kaysa sa laxative brand na nabili nga ng nanay ko. Bagama't wala akong brush para sa pag aapply nito, ginawaan ko na lamang ito ng paraan.
Paano ko nga ba nilalagay yung castor oil sa pilikmata ko?
Step 1: Use cotton buds and drop a little amount of oil on it then gentle apply on your lashes. Do it every night before going to sleep.
- Just gentle apply it like you are putting a maskara on your eyelashes. Directly massage the cotton buds on your ends and roots. Pero kung may empty bottle ka ng anumang klase ng maskara na ginagamit mo, maari mo rin itong gamitin. Linisin lamang ang bote nito at kapag ito'y malinis na maaari mo na itong lagyan ng castor oil at ibabad ang brush ng ilang minuto. Maaari mo ng gamitin ang brush sa paglalagay ng oil sa iyong mga pilikmata na parang naglalagay ka lamang ng maskara rito.
Step 2: Just let the castor oil on your eyelashes and you may rest. In the morning, wash your lashes using lukewarm water and gently rub it.
- Wag na wag kakalimutang banlawan ang mata tuwing umaga. Kasi kapag nakakalimutan nagcacause siya ng dryness dahil na rin sa natuyong luha. Mahirap na kumapit ang mga natuyong luha sa pilikmata dahil may castor oil ito. Posibleng mairita ang mata at maging dahilan para maglagas kakakusot.
Ayon, Ganoon lamang kadali.
At, sa 2 weeks na paggamit ko nga nito I really like how my eyelahses is. It looks healthy! Mukha na siyang buhay na buhay at 'di na rin gaano ka brittle kapag kinukusot eh naglalagas.
Maidagdag ko rin pala, I'm also using it to my hair para mawala ang balakubak. Ingat lang na matuluan ang iyong damit lalo na kung puti. Medyo thick kasi ang consistency ng castor oil. Ang kulay rin niya ay madilaw-dilaw kaya kapag nalagayn ang damit mo ay talaga namang mahirap tanggalin. Kaya sa pag lalagay nito sa buhok, just be careful if you directly drop it onto your scalp.
In may case. I just drop a little amount of castor oil onto my palm and directly massage it on the scalp. Maaari ring gumamit ng cotton. Layan lamang ng oil ang bulak at idampi ito sa bunbunan mo. Imassage mo ito pagkatapos malagyan ang buhok, gamit amg kamay.
Ang iba kapag inaaply ito sa buhok nila ay gumagamit ng brush sabay dampi sa scalp. But. it still epends on your likings.
Sa paggamit ko nito sa buhok ko, so far, napapahupa naman niya yung pagkapal ng balakubak ko at pangangati dahil sabi ko nga may anti inflammatory ang castor oil.
Sa pang apat na linggong paggamit. I see my eyelashes healthy. Kaya maaari ko nang gawing alternate ang paglalagay nito. Sa apat na linggo naman kasi ay nag thick siya at darken.
Kaya naman sa isang buwang paggamit ko nito. Masasabi kong worth it siya. Kaso before using it. Alamin niyo muna if may side effect sa inyo. You may drop a little amount of castor oil into your skin for a test. Sa akin kasi wala naman akong naramdaman. It's soothing pa nga, kaso sa buhok 'di ko siya masyadong ginagamit. Sa isang linggo, dalawang beses lamang ako kong maglagay. Gaya nga ng sabi ko, dry ang type ng buhok ko at may mga nabasa kasi ako na kapag dry ang buhok nakakapag frezzy ng hair, at lalo magiging dry siya. For more infos naman i-try niyong i-search na lang sa internet or watch Audrey Victoria on youtube. Isa siya sa mga sinusubay bayan kong beauty guru na talagang expert sa mga skin care, lalo na sa tamang pag aalaga ng buhok. May mga videos siya about using castor oil, at ang isa pa ay iyong paggamit ng rice water na mabilis makapagpahaba ng buhok. Siguradong makakatulong rin iyon para sa inyo.
Ayon lamang mga ka-Diarist! I hope this helps and dont forget to give your comments below. Salamat!
Don't be stress! Para iwas wrinkles
Comments
Post a Comment